Oo nga Pala
Ayoko na! hirap na hirap na ko
Pagod na kong umasa sa mga pangako mo
Pagod na kong unawain mga topak mo
Pagod na kong intindihin mga rason mo
Bakit ganun? Lahat naman ginawa ko.
Mapasaya ka lang sa piling ko
Kagaya ng ipinangako ko sa magulang mo
Di pa rin ba sapat mga ginawa ko?
Laging naglalaan ng oras para makausap ka
Kahit busy ako, isisingit pa rin kita
Boring akong tao, pero dahil mahal kita
Nagpakakalog ako, mapangiti lang kita
Ibinibigay ko lahat ng hinihingi mo
Kahit walang pera at butas ang bulsa ko
Naging tapat naman ako sayo
Pero parang wala lang ito lahat sayo
Diba sabi mo saken mahal mo ko?
Tayong dalawa lang, ikaw at ako
Ay! Oo nga pala, wala palang tayo
Dahil imahinasyon lamang ang lahat ng ito
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento