Ang Dyamante at ang Aso


Ang Dyamante at ang Aso
ni: Emmanuel Miguel M. Rentusa

Dyamante ay isang natatanging bato,
At ang aso’y nais ng maraming tao,
Sinuman sa ati’y magkaroon nito,
Lubos ang kasiyahan panigurado.

Sa una’y mahalaga at gustong-gusto,
Kaya sa isa’t-isa’y kapwa nangako,
Pagmamahal na magmumula sa puso,
Hindi  pa natatanggap ng kahit sino.

Ngunit bakit ngayo’y maraming nagbago,
Hindi nakatulad ng dati ang tao,
Dyamanteng hinayaan at itinago,
Pinabayaan na ang asong kalaro.

Naging abala sa marami pang bato,
Mga batong hindi katulad ng totoo.
Ang aso’y nalulungkot at nanlulumo,
Pag-ibig ay kinalimutang pangako.

Mamahaling bato’y tuluyang naglaho,
Lumayo, at hindi na muling nagtagpo.
Ang aso’y hindi na muling tumutungo,
Sa amo na dati-rati’y paborito.

Mas masaya nga ang marami siguro,
Sapagkat ang buhangin ay mas ginusto,
Kaysa sa iisang mamahaling bato,
Hindi naging sapat kahit na totoo.

Ngunit kawawang aso man ay binigo,
Pag-ibig ay mananatiling totoo,
Sapagkat siya ay tapat sa pangako,
Na hindi ka iiwan hanggang sa dulo.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bakit nga ba GAS?

A Cup of Coffee