Bakit nga ba GAS?


               Kasama na sa buhay estudyante ay ang kurso o career na tatahakin nila sa hinaharap. Marami ang desidido at sigurado na sa kukuhanin nilang kurso. Ngunit mayroon namang iba na katulad ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakapili. Nagkaroon ng programa ang gobyerno na naging dahilan upang magkaroon ng Senior High School.

                  Marami ang nagtatanong sa akin kung bakit daw GAS ang kinuha ko. May mga naging guro din ako ang nagtataka kung bakit ito ang napili kong strand.Grade 10 pa lang, pinapipili na kami ng mga guro namin ng track na gusto naming kunin sa Senior High. Nung una, HUMMS ang first choice ko. Balak ko kasi maging guro sa hinaharap, di ko masyadong gusto pero ayos lang sakin. Kilala ako na magaling sa arts kaya sabi ng isa kong kaklase kung Arts and Design na lang ang kunin ko. Sabi naman ng kaibigan ko, mas maganda kung piliin ko yung track na komportable ako. Minsan naman, sinabi sa akin ng minsan ko nang naging guro ko na mas maganda daw yung kurso na may board exam. Nagkaroon kami ng Seminar tungkol sa pagpili ng kurso. Marami akong natutunan sa seminar na to. Sa pagpili daw ng strand, dapat isaalang alang ang kakayahan at dapat na gusto mo rin para daw in the future, hindi ka ma-stress. Pagkatapos nun, nagdesisyon ako na GAS na lang ang piliin ko. Mahirap kasi ang magiging sitwasyon mo kapag bigla kang nagbago ng isp. Pabago bago ka ng strand kaya dun na lang ako sa sigurado.

                  Ngayong Senior High na ko, wala akong pinagsisisihan. Hindi naman pala mahirap ang mag GAS kase talagang madali at hindi naman ganun kahirap magturo ang mga guro namin. Sa loob ng dalawang taon, hahasain ko ang mga kakayahan ko. Tatlo kasi ang balak kong kuhaning kurso pagdating ng kolehiyo.Fine Arts, Education at Engineering. Kaya kung ikaw ay isang Junior high na hindi pa rin nakakapag desisyon o sigurado sa track na kukuhanin mo, pinapayuhan kita na General Academic Strand ang kunin mo.

Mga Komento

  1. Salamat sau Pearlyn. Actually, ang blog na to ay isa sa mga project namen sa isang subject nung G11 pa ko. Yep. mas okay ang GAS kase safe strand sya. Kapag graduate ng GAS, any course ay pwede sau.Yet, ang mapapayo ko lang, sundin mo kung ano talaga ang gusto mo kahit gano kahirap ipursue. lahat naman natututunan eh. even gaining confidence. God bless sa iyong pag aaral...

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

A Cup of Coffee

Ang Dyamante at ang Aso