Bakit nga ba GAS?
Kasama na sa buhay estudyante ay ang kurso o career na tatahakin nila sa hinaharap. Marami ang desidido at sigurado na sa kukuhanin nilang kurso. Ngunit mayroon namang iba na katulad ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakapili. Nagkaroon ng programa ang gobyerno na naging dahilan upang magkaroon ng Senior High School. Marami ang nagtatanong sa akin kung bakit daw GAS ang kinuha ko. May mga naging guro din ako ang nagtataka kung bakit ito ang napili kong strand.Grade 10 pa lang, pinapipili na kami ng mga guro namin ng track na gusto naming kunin sa Senior High. Nung una, HUMMS ang first choice ko. Balak ko kasi maging guro sa hinaharap, di ko masyadong gusto pero ayos lang sakin. Kilala ako na magaling sa arts kaya sabi ng isa kong kaklase kung Arts and Design na lang ang kunin ko. Sabi naman ng kaibigan ko, mas maganda kung piliin ko yung track na komportable...